Linggo, Mayo 13, 2012

Singaw: Sobrang nakakainis!


No photo
Singaw: Sobrang nakakainis!
DOC WILLIE Ni Dr. Willie T. Ong (Pilipino Star Ngayon) Updated October 15, 2009 12:00 AM Comments (0) View comments


KAIBIGAN, may singaw ka ba sa bibig? Ang sakit hindi ba? Mabuti na lang at nakausap ko ang isang napaka­galing na ENT Specialist doctor na si Dr. Elmer De La Cruz.
Saan galing ang singaw? Hindi pa tiyak! May nagsa­sabi na baka kulang sa bitamina o baka nasobrahan sa stress. Ngunit ang madalas na sanhi ang iyong pag­kasugat sa dila o labi. Kapag napaso ka, nakagat mo ang dila mo o kung may teeth braces ka, puwede kang magkasingaw.
Marami na akong nasubukang gamot para sa singaw pero wala itong epekto sa akin. Huwag pong lagyan ng kalamansi at suka. Nakasubok din ako ng mga paint para sa singaw pero balewala ito. Heto ang payo ni Dok Elmer para sa singaw:
1. Bumili ng Solcoseryl Ointment – Ang Solcoseryl Ointment ay pinapahid ng 3-5 beses sa lahat ng iyong singaw. Noong nasubukan ko ito, ang laki pong ginhawa.
2. Mag-Yoghurt o mag-Yakult – Ayon kay Dok Elmer, ang pag-inom ng Yoghurt at Yakult 3 beses sa maghapon ay nakapagtatapal sa sugat ng mga singaw. Kahit nasaan pa ang singaw mo, sa bibig, dila o lalamunan, matatapalan ng Yoghurt at mababawasan ang sakit.
3. Uminom ng antibiotics, tulad ng Amoxicillin 500 mg — Iniinom ito ng 3 beses sa maghapon sa loob ng 5 araw. Mura lang ito sa generics na botika. Kung may kasamang sore throat o tonsils ang iyong singaw, inuman ng Amoxicillin.
4. Uminom ng 8-12 basong tubig sa maghapon — Kapag maraming tubig ang ininom, mas magiging basa ang ating lalamunan at bibig at hindi gaano sasakit ang singaw. Luluwag pa ang ating plema.
5. Umiwas sa maaasim at maaalat – Mahapdi sa si­ngaw ang maaasim na prutas tulad ng orange, saging at mangga. Okay lang sa akin ang melon at pakwan bilang juice. Kumain na lang ng lu­gaw at malalambot na pag­kain para hindi masugatan ang singaw.
http://www.philstar.com/Article.aspx?articleid=514241

Martes, Mayo 1, 2012