ARCHIDS
"Kungang Pilipinas tawag sanakatira ay PILIPINO,
sa ARCHIMEDES syempre ARCHIDS♥
Saan nga ba nagmula yung salitang Archids?
Intramurals namin yun noong MAPEH time. Ako yung inatasang gumawa ng "IV-ARCHIMEDES " na lettering. At ayun na nga intrams na! Habang nagkakabit kami ng lettering sa board napansin ni Eric na kulang ng "E" yung ARCHIMEDES sabi ko gagawa na lang ako. Sabi naman ni Eric wag na lang.
Yung unang nakalagay dun IV-ARCHIMEDS
ERIC: Oh d ba Archimeds!
AKO: pwede! :D
Dahil hindi matibay yung pagkakadikit ng scotch tape sa lettering, sa hindi sinasadyang pangyayari nalaglag yung letter M
IV-ARCHIEDS
ERIC: Alam ko na teh! (tinanggal yung letter E sa ARCHIEDS) ARCHIDS (ar-chids pa nga yung pagkakasabi ni Eric nun eh)
AKO: ARCHIDS! as in ar-kids! oh d ba antaray! :D
ERIC: classmates ARCHIDS na tayo! XD
at yun yung naging simula ng salitang ARCHIDS sa IV-ARCHIMEDES
waybackin2012
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento